August 21st, 2005
kung anu-ano
some updates...(habang inaantay kong iemail ng groupm8 ko ung part niya for the trans, ako kasi mgcocompile...exaj hindi ko nga alam kung pano ilalagay yung malanding header namin dun sa docu..complicated. ang techy ko kasi eh.haha)
august 12
nalaman kong my gf na pala yung semi-crush ko (awwww...) hehehe ok lang, hindi naman kasi seryoso yun (buti nalang, kung hindi eh di padrama effect na naman ako) nakausap ko rin ang 1 kaibigan na nagtanong kung may nanliligaw daw sa akin ngayon. sabi ko, "wala noh." tinanong niya ako kung sigurado daw ba ako, o baka naman daw manhid lang ako. haha, napaisip ako sa comment na yun. manhid nga ba ako? sabi kasi dati ng roommate ko nung kinuwento ko sa kanyang "i'm always the friend, never the girlfriend", naive daw siguro ako, akala ko lang daw wala, pero meron. pero feeling ko, wala talaga. malalaman ko naman yun noh...siguro. basta, feeling ko friends lang ako with everyone. mahirap naman kasi mag-assume diba?mamya mali naman. mabuti nang safe. chaka ayoko pa talagang isipin yun-- e bat ko naman kasi iisipin e wala pa rin nmn akong balak pumasok sa ganun? mamya, maglandslide na nmn ang emotions ko, tas ako rin ang kawawa. so might as well stop at step 1. sabi nga ni mama, "collect then select." haha, tawang-tawa talaga ako sa advice na yun. (chaka buti sana kung may icocollect ako dba?e always the friend nga e.hehe)
august 17
nag-interview kami ng psych patient para sa idc 202 (pass or fail course lang ito.) grabe, naloka ako sa mga sagot ng interviewee namin (by pair kasi kami.) buti nalang, si bea (my partner) yung nauna, so i had the time to condition myself. napakaoutrageous kasi ng sagot, akala ko naman depressed px lang ang ibibigay sa amin. e bungisngis pa nmn ako. pero after a while, ok nmn na. sobrang nakakaawa nga, kasi she seemed so disillusioned about everything. next time ko nalang ikkuwento yung details, basta ang theme, feeling niya nagiging demonyo na ang nanay niya (as well as her other family members). kaya ayaw niya nang umuwi baka daw "lapain" siya ng nanay niya at ng mga "alipores" nito.
august 18
nashoot ako sa isang imburnal nung papasok ako ng school (yes, i was wearing my all-white uniform.) patawid na kasi ako ng p.gil nun, e ang bibilis nung mga jeepneys so antay muna ako, tas may biglang dumaan na mamang nagbibisikleta na may sidecar (pero hindi pedicab) at sumigaw ng 'tabi tabi tabi!" dahil ayokong masagasaan ng bike, umatras ako 1 step back, ayun sakto may imburnal pala, nashoot yung right foot ko. grabe two years na yun andun but i didn't know it was that deep! lumubog yung leg ko (i'm not sure kung umabot sa hita pero malalim talaga), basta gross talaga! it was only then that i understood the full meaning of the word "burak." waaaaaaahhh ayoko nang isipin kung ano ang contents ng maitim, mabahong, malapot, malamig, mahabong substance na iyon. anyways, napaupo ako sa sidewalk dahil dun, at dahil p.gil nga ito, hindi ko rin alam kung ano ang naupuan ko (actually parang alam ko paro ayokong aminin na ganun ako kamalas.) nakakapikon pa kasi yung mamang nagbibisikleta lumingon lang, tas tuluyan nang umalis. God bless his soul. may mga mamang lumapit at may 1 pang mamang nagsabing,"what happened?" (sosyal!) with all concern. pero buti nalang at nakatayo naman ako agad at hindi ko na kinailangan ang tulong nila. buti nalang, less than 50 steps away lang ako sa dorm. ngmadali akong umuwi at mgshower ulit dahil transcriber pa ako for the 1st lecture.
pagtapos kong mgshower, mejo lumamig na ang ulo ko. kaya pagpasok ko sa school, natatawa na lang rin ako sa nangyari. haha, imagine! buti nalang, wala akong sugat. chaka buti, isang paa lang. buti, hindi naiwanang ang rubber shoe ko sa ilalim (dahil hindi ko alam ang gagawin kapag nangyari yun (yak, pano yun sisisirin ko na yung burak?) hahaha! sabi ni gerald, dapt daw ay gumawa na ako ng listahan ng mga nangyari sa akin (mejo accident prone kasi ako.) siguro pag hinid na masyado busy. =)
--------
p.s. nakita ko rin yung former "dream guy" ko for YEARS. feeling ko talaga nakamove-on na ako. (sabi ko nga kay tara, nagfeedback inhibition na. sabi niya naman, baka fatigue na dw. naisip ko nmn, baka dhil may competitive inhibitor? haha. toxic...sana naipasa ko yung 2nd biochem exam. bagsak kasi ako dun sa 1st) pero ang masasabi ko lang, kahit nakamove-on na ako, hindi ko maidedeny na gwapo talaga siya. hahaha.
sige next time na ulit. ;) haha, si God talaga, comedyante. hehehe
"life's not a paragraph..." -ee cummings