Nagmeeting kami kaninang umaga sa Crossroads, it's sort of like a sem-planning for Agape. mejo nagulat at natakot nga ako nung sinabi ni Ate Juvs na pinagppray niya ako to be one of the heads of the Secretariat, eh napaka-disorganized ko pa naman! ang weird na iba pala ang perception niya sa akin. anyways, i committed to take care of the responsibility of the org's accreditation and directory, pero sa follow-up/members (?) committee ako mgseserve after. naeexcite ako sa idea na kami yung mag-aalaga sa mga people na biglang hindi na nakakapunta, gusto ko kasi yung ganun, i mean doing little things for those people to show them that we miss them, that we care for them. ang saya kasi gusto ko talaga yung ng-susurprise ng mga tao by doing something special when they least expect it (duh tina kaya nga surprise eh), basta yun. sana magmaterialize yung mga ideas ko, weeeee!!!
hala, andami ko pa palang kailangan gawin....haaaayyy!! andami ko pa palang plinanong pasayahing tao this summer, pero hindi ko pa nagagawa...tsk tsk. dapat magawa ko yun before school starts...sayang yung opportunity. ang hirap talaga pagka bakasyon, yung oras ko nauubos nang hindi ko namamalayan, nakakainis! kulang talaga ako sa disiplina....but then again, at least nakapagstart na akong mgcello. at yung plan kong magwork this summer, in a sense natupad din naman since may tinutoran ako. kaso yung plan kong matuto ng basketball at ng isang type of dance, hindi natuloy. kung sa bagay, hindi naman pwedeng pagsabay-sabayin yun. ang gastos din, tapos bibili pa kami ng med books and instruments ngayon, may uniforms pa pala! exaj! ay ewan! basta kulang talaga ako sa disiplina...
pagkauwi ko kanina, natulog ako for about four hours, kaya pagkagising ko, gabi na naman. kaya tuloy ngayon gising pa ako, tas bukas mahihirapan na naman akong magising. ang gulo na talaga ng sleeping habits ko, patay na once school starts. waaaahhh, parang ayoko pang pumasok. next week nga puro orientations na rin, so practically two days nalang ang bakasyon ko. waaaaahhh... kailangan ko pang pagnilay-nilayan ang mga mangyayari sa akin. grabe, ganun-ganon nalang yon...feeling ko kakapasok ko palang ng college, pero naka two years na rin pala ako. and in a week's time, panibagong yugto na naman. wala na talagang atrasan (wala na nga ba?eheheh)
parang sasabog na ang utak ko sa dami ng dapat kong isipin. feeling ko may kailangan pa akong iresolve na mga bagay-bagay sa sarili ko bago ako tumungtong ng med, ewan ko kung ano, basta feeling ko meron pa rin (as though hindi pa enough yung isang katutak na "pagreresolve" na ginawa ko over the past two years.)
pero bukas na ako mag-iisip. inaantok na ako eh, baka iwanan pa ako ng antok, pag nangyari yun, eh di mag-iisip na naman ako. i wanna spend a whole day with God...kailan kaya pwede? wala naman na ata akong time umakyat ng Prayer Mountain, eh dun lang ako talagang nakakapagfocus. chaka hindi ko kayang pumunta ng mag-isa dun. ayokong ngcocommute mag-isa, lalo na pagka kailangan sumakay ng bus (actually hindi naman sasakay ng bus pag papunta dun, pero malayo din yun eh. basta yun na yon) kanina pala sumakay ako ng bus kasama yung helper namin papunta dun sa Back to the Bible where i met with chaochao para sumabay papuntang crossroads (hindi ko kasi alam san yun), mangiyak-ngiyak ako na natatawa nalang rin. kasi hindi namin nakita na puno na yung bus, so pagsakay namin, nakatayo lang kami. e ang bilis bilis pa naman, buti pa sa LRT constant yung speed e dun hindi mo malaman kung bakit ganun, parang tataob na nga yung bus e. tas kung nakaupo na ako finally, yung katabi ko nalaglag pa yung ulo niya sa antok, buti hindi naman yung sobra, kaya mejo natatawa pa ako.
matutulog na talaga ako. goodnight.
Currently feeling: bangag